Sa Bataan mo makikita ang malaking krus sa taas ng bundok., The Mt. Samat, maraming namatay na sundalong Pilipipino at Amerikano doon laban sa mga Hapon. Sa krus may elevator, kapag nasa taas kana ng krus makikita mo ang ganda ng Bataan, sobrang fresh pa ng hangin at emjo malamig din dun kaya kapag nagpunta kayo sa Bataan huwag nio kalimutan puntahan ang Mt. Samat may Museum din dun at madami kayong makikitang mganda. The City of Bataan ay Balanga, walang masyadong magandang pamuntahan sa Balanga, Madaming Bars na sa Balanga ngayon dahil City na.Masarap gumimik sa Razz Bar dami kang makikilalang tao kasi maraming tao dun kaya kung party people ka dun kana pumunta. Ang pilitika sa Bataan iisa lang naghahari ang Garcia, magagaling sila dahil madami silang napagawa sa Bataan, Daming nabago gumanda ang Bataan dahil sakanila. Dami pang scholars.kahit sila ang Governor, Mayor at Congressman hindi ka din magsisisi dahil sa kanilang mga nagawa. Magkakaroon pa ng free-port Mariveles soon. Sa Mariveles Bataan may lugar dun na Balon Anito, dahil may Balon na hot spring dun, yun nga lang di ka makakaligo kasi walang hangganan ang lalim ng Balon, ang kwento nga ng mga tagadun may nahulog na baka dati dun sa balon tapos lumabas daw sa Manila Bay ung gutay gutay na katawan, ibig sabhin ung balon na yun sobrang lalim talaga at ang labasan nia ay dagat. may bagong Beach Resort ngayon sa Mariveles, The Camaya Coast. White sand at sobrang ganda. ang papunta dun magbabangka ka kasi very rough road ang daan hindi pa naayos, pero hindi siya isla. madami ng tintayong ibat ibang hotl dun ngayon.. Ako na ang nagsasabi mas maganda pa dun kaysa sa Boracay. Madami din Beach dun madami kayong mapagpipilian, mdamin din cave dun, at higit sa lahat ang alam ko sa Mariveles may bahay si Ferdinand Marcos dati dun at may undergrounf tunnel xa, ang tunnel na yun ay may riles ng tren mula sa bahay nia ang labas ng tunnel ay doon sa Jolibee Mariveles. Kaya magaganda ang daan sa Mariveles dahil na din kay former President Ferdinand Marcos. Bagac Bataan, Sa Bagac Bataan ay madami din Beach Resort, doon nagshooting yung Zorro, sila Richard Gutierez. Isa ang Beach na yun sa pinkamgandang Beach sa Bagac. Parang private nga xa eh.. Exclusive yata. Para kang nasa Mexico City kapag nagpunta ka dun. talagang parang nasa ibang bansa ka.. it such a beautiful place to come and visit. Montemar Beach Resort ay nasa Bagac, Bataan din. napunta na ko dun twice maganda din dun madaming bagong building at ibang activities. Isa sa mga wag na wag ninyong kakalimutan ang Morong Bataan kung saan may pawikan conservation center sila may entrance 20pesos per head, mailiit lang ang place pero tabing dagat kaya maganda din. super daming beach resort dun dami kang mapupuntahang beach. dami din mga turistang pumupunta, yun nga lang di pa urbanize ung bayan nila. pero isa sa mga mapagmamalaking lugar na Bataan ay yung Morong.
To be Continue.. hehehe
Sunday, June 6, 2010
Saturday, June 5, 2010
Trip to Cebu
Sa Cebu, parang Manila lang ang Cebu sa totoo lang yun nga lang maganda ang mga hotel dun tabing dagat eh. Sa Mactan Shangrila kami nagcheck in. Sa lahat ng hotel na napuntahan ko sobrang laki nia, mapapagod ka sa paglalakad, at super ganda talaga. kpag napunta ka dun parang ayaw mo ng umalis. Naggala kami nung gabi ang ganda ng makikita mo.. Maraming foreigners, mga natutulog na lang sa pool side, mas gus2 pa nila matulog dun kaysa sa room nila kasi sobrang ganda talaga.. Sa Taboan Public Market naman namili kami ng mga dried fish and pusit sobrang baho dun, yung amoy talaga didikit sa damit mo kaya dapat bago ka pumunta dun may dala kanang pamalit mo. Namili din kami ng bagoong na talaba, ayyy kapag nagpunta kau dun mamili kau nun kasi napaksarap na sawsawan nun lagyan mo ng kalamansi ayos na.. May kamahalan din ang mga dried fish dun kaya butas talaga bulsa mo.. ayun.. Nagpunta din kami sa gawaan ng mga gitara sa Alegre, nakabili akong gitara yung maliit lang pero maganda din, kamalas2 naupuan ko sa bus nung pauwi na kami sa Bataan, Manila-Bataan... Malas nga..mejo nasira xa.. Grabe ang tour na yun lahat ng pagkain namin lahat buffet mula breakfast hanggang dinner, 3days na ganun..sus.. Sikat din ang Cebu dahil sa mga Dried mangoes nila. Nakit ko din ung Magellans Cross, doon pala talaga Binaon ung Cross na un,ang alam ko sa limasawa, ayun na pala un.. Yung Cross na yun hanggang ngaun buhay padin, ayun padin yung Orig na Cross na nilagay ni Ferdinand Magellan, mula nung 1500+ db? wow tatag. Isa talaga ang Cebu sa madaming historical places sa Pilipinas. Maganda din sa Cebu pero mas maganda talaga sa Bohol.
Trip to Bohol
Sa wakas nakapunta din ako sa Bohol, isang napaka gandang lugar. Kasama ko ang tropa ko na sobrang kukulit, Isang trip na sobrang saya na hindi ko malilimutan sa buong buhay ko, dahil kinabukasan neto nastroke ang pinamamahal kong ina. Totoo pala na kapag sobrang saya mo may mangyayaring hindi maganda, kaya sa susunod hindi na ako masyadong magsasaya. Pero sa kabila ng nangyari tuloy padin ang tour, madami kaming pinuntahan, sa Chocolate Hills sa mga tarsier na sobrang cute, napakasarap iuwi ng mga yun sa totoo lang kapag nakita nio eto sarap iuwi sarap ibulsa kasi sobrang liit lang nila. Ang tarsier pala ay tulog sa araw at gising sa gabi, nakikipagsex sila ng ilang sigundo lang lalabasan na sila heheheh. ayun ang sabi samin nalimutan ko lang yung exact seconds. Kumain din kami sa Loboc River, napaka sarap kumain dun kasi after mong kumain aandar ung malaking balsa at makikita mo ang ganda ng Bohol. Habang umaandar ang Balsa may kumakantang lalaki sobang galing din nia kumanta at maggitar sa ibang balsa nakita ko may mga sumasayaw pa lame db? Grabe sobrang sarap talaga, tapos hihinto ung balsa sa isang grupo n sumasayaw, talagang entertaining sila, mga sayaw ng mga Pilipino ang sinasayaw nila. Nagstay kami sa Bohol Plaza, maganda din dun, kitang kita mo mula sa hotel yung dagat kasi yung hotel na yun ay nasa taas ng bundok, nagiisang hotel sa Bohol sa taas ng bundok. Ang naging problema namin dun maxadong malalayo ang mga rooms akyat panaog ka pero overall mganda talaga xa. 2days kami dun sa Bohol and Sumakay kami sa maliit na barko papuntang Cebu, 2hrs din ata ang byahe.
Subscribe to:
Posts (Atom)