Saturday, June 5, 2010
Trip to Cebu
Sa Cebu, parang Manila lang ang Cebu sa totoo lang yun nga lang maganda ang mga hotel dun tabing dagat eh. Sa Mactan Shangrila kami nagcheck in. Sa lahat ng hotel na napuntahan ko sobrang laki nia, mapapagod ka sa paglalakad, at super ganda talaga. kpag napunta ka dun parang ayaw mo ng umalis. Naggala kami nung gabi ang ganda ng makikita mo.. Maraming foreigners, mga natutulog na lang sa pool side, mas gus2 pa nila matulog dun kaysa sa room nila kasi sobrang ganda talaga.. Sa Taboan Public Market naman namili kami ng mga dried fish and pusit sobrang baho dun, yung amoy talaga didikit sa damit mo kaya dapat bago ka pumunta dun may dala kanang pamalit mo. Namili din kami ng bagoong na talaba, ayyy kapag nagpunta kau dun mamili kau nun kasi napaksarap na sawsawan nun lagyan mo ng kalamansi ayos na.. May kamahalan din ang mga dried fish dun kaya butas talaga bulsa mo.. ayun.. Nagpunta din kami sa gawaan ng mga gitara sa Alegre, nakabili akong gitara yung maliit lang pero maganda din, kamalas2 naupuan ko sa bus nung pauwi na kami sa Bataan, Manila-Bataan... Malas nga..mejo nasira xa.. Grabe ang tour na yun lahat ng pagkain namin lahat buffet mula breakfast hanggang dinner, 3days na ganun..sus.. Sikat din ang Cebu dahil sa mga Dried mangoes nila. Nakit ko din ung Magellans Cross, doon pala talaga Binaon ung Cross na un,ang alam ko sa limasawa, ayun na pala un.. Yung Cross na yun hanggang ngaun buhay padin, ayun padin yung Orig na Cross na nilagay ni Ferdinand Magellan, mula nung 1500+ db? wow tatag. Isa talaga ang Cebu sa madaming historical places sa Pilipinas. Maganda din sa Cebu pero mas maganda talaga sa Bohol.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment